Serbisyo sa ADA

Americans with Disabilities Act (ADA) at Makatwirang Akomodasyon

Ang ADA ay batas Sibil na ipinagtatanggól ang mga taong may iba’t-ibang uri ng kapansanan laban sa diskriminasyón sa lahat ng aspeto ng buhay panlipunan. Bilang pagdiin dito, iniaatas ng Title II ng ADA na lahat ng programang dumaan sa estádo at lokal na pamahalaan tulad Lungsod at County ng San Francisco ay dapat na nagagamit at napakikinabangan ng mga may kapansanan. Sa ilalim ng mga patakaran ng ADA at Lungsod, ang pag-akses sa mga serbisyo, aktibidad at benepisyo ng Lungsod ay dapat na pantay sa lahat, kasama na dito ang mga may kapansanan. Ang mga taong may kapansanan ay dapat na may pantay na oportunidad na lumahok at makinabang sa mga serbisyo at programang ipinagkakaloob sa pamamagitan ng Lungsod at County ng San Francisco. Kung sa inyong paniniwala ay may paglabag sa inyong mga karapatan sa ilalim ng ADA, mangyaring makipag-ugnayan po sa ADA Coordinator.

Idinagdag ng Ordinansang 90-10 ang Seksyon 2A.22.3 sa Administrative Code, kung saan ipapatupad ang Citywide Americans with Disabilities Act Reasonable Modification Policy na nag uutos sa mga Departamento ng Lungsod na : (1) Ipabatid na lahat ang kanilang karapatan na humiling ng makatwirang modipikasyón (reasonable modification); (2) Agad tugunan ang mga kahilingang ito; (3) maglaan ng angkop na auxiliary aids (karagdagang pantulong) at serbisyo sa mga may kapansanan upang matiyak ang epektibong komunikasyon at; (4) turuan ang mga kawani na tugunan ang mga kahilingan para sa makatwirang modipikasyón mula sa publiko. Tungkulin din ng Mayor’s Office on Disability (Opisina ng Mayor para sa may Kapansanan) na magbigay ng teknikal na pagtulong sa mga departamento ng Lungsod na silang tumutugon sa mga kahilingan ng publiko hinggil sa makatwirang modipikasyon.

Sinusuportahan ng Lupon ng mga Superbisor (Board of Supervisors) at ng Tangappan ng Klerk ng Lupon (Office of the Clerk of the Board) ang Mayor’s Office on Disability para tulungan ang San Francisco na maging Lungsod kung saan lahat ay nagtatamasa sa mga pantay na karapatan, oportunidad at kalayaan laban sa iligal na diskriminasyon sa ilalim ng mga batas para sa mga may kapansanan.

Ang mga pagpupulong ay naka real-time caption (sabay na isinusulat ang mga pinag- uusapan), naka cablecast, open-caption at livestream sa SFGovTV (www.sfgovtv.org), o nasa mga Government Channel 26, 28, 78, or 99, depende sa inyong tagapaghatid ng serbisyo. Ang mga adyénda sa pagpupulong ng Lupon at mga komite nito, pati na rin ang mga katitikan (minutes) dito ay matatagpuan sa website ng Lupon (www.sfbos.org) at sumusunod ito sa mga patnubay ng web development sa ilalim ng Section 508 guidelines ng Federal Access Board. Para humiling ng tagapagsalin sa pamamagitan ng pag senyas (sign language interpreter), gamit na tagabasa (readers), sipi ng adyenda na may malalaking titik o iba pang akomodasyon, mangyaring tumawag po sa (415) 554-5184 o (415) 554-5227 (TTY). Malaking tulong po kung ang mga ganitong kahilingan ay ipapaabot sa amin ng mahigit 48 oras bago magsimula ang pagpupulong para matiyak na napaghandaan ito. Kung kailangan ang karagdagang tulong, mangyaring makipag-ugnayan po kay Wilson Ng, ADA Coordinator, sa Wilson.L.Ng@sfgov.org.

 

Pag-akses sa Pagpupulong (Meeting Access)

Lahat ay maaaring dumalo para saksihan at makilahok ng personal sa mga pagpupulong ng Lupon at mga komite nito, o kaya naman ay maaaring panuorin ito sa SFGovTV.

Ang mga impormasyon para maka-akses sa Pagpupulong ay natatagpuan sa bawat adyenda, sa website ng Lupon, at inilathalang sa mga legal advertisement.

Ayon sa Rules of Order 1.3.3 ng Lupon ng mga Superbisor, hindi pinahihintulutan ang pag komento sa pamamagitan ng remote sa mga pagpupulong ng Lupon at mga Komite nito, maliban na lang para sa mga pangangailangang legal ng mga may kapansanan para makasali sa naturang pagpupulong. Kung kailangan ninyo ng remote access bilang makatwirang akomodasyon sa ilalim ng ADA, manyaring makipag ugnayan po lamang sa tangapan ng Klerk ng Lupon para humiling ng remote access, upang maunawaan ang naghahadlang sa inyong pagdalo ng personal.

Mga Serbisyo sa ADA (PDF)